Saturday, August 15, 2009

FILLED OF THINGS THAT WERE DONE IN FIRST 100 DAYS IN DENMARK (DAY 89)

DAY 89---August 15, 2009

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko din alam kung bakit ako nandito at gingawa ang mga trabahong ganito. May trabahong professional sa Pinas. Kumikita ng sapat para sa sarili. Nag-aaral ng law para sa kinabukasan pero mas piniling tumira dito sa Denmark. Magtrabaho bilang au pair, magaral ng Danish Lesson at nagpplanong mag-aral ng IT Certificate. May mga narinig din akong balita mula Pinas kung bakit nandito ako at kinukupara sa anak nila na nasa abroad din pero isang secretary. Napaisip ako, mali nga ba ang naging desisyon ko? Bunga lang ba ito ng bukso ng damdamin at nasilaw ako sa pangalang “Europe”? May mga panahon din na nararamdaman ko na gusto ko ng bumitiw, bumalik sa Pilipinas at manatili sa buhay kung saan ako kumportable. Lumiit din ang tingin ko sa sarili ko din. Oo nga naman, bakit ko pinili dito at sila maganda ang posisyon.

Bumalik ako sa mga rason ko kung bakit ako nandito, kung bakit pinili ko ang daan na ito. Napagod ako sa buhay sa Pinas, may mga nangyari na naradaman ko na kailangan kong humingi ng “time-out”. Nabuhay ako sa mga expectation ng ibang tao. Kailangan may magandang trabaho, kailangan astig ang kurso na kukunin mo at kailangan kang gumawa ng mga bagay na dapat ikaw lang ang gumgawa. Napagod ako. Pinagod ko sarili ko sa trabaho at sa pag-aaral at nang hindi ko na nakayanan ang pag-aaral kumuha ako ng part-time job. Pero para saan? Para sabhin nilang astig ako? Nakakapagod.

Gusto ko lang sabahin sa inyo na, OO, pinili kong magtrabaho bilang part-time baby-sitter kasi gusto kong pumunta ng Europe. Gusto kong maranasan mag-travel at puntahan sa mga lugar na karaniwang sa picture or sa movie ko lang nakikita at para magawa ko un kailangan ko ding mgtrabaho kasi hindi libre ang gastos dito at kailangan ko ding tumulong sa mga kapatid ko at magulang (hindi sa pagmamayabang, baka mas malaki pa sweldo ko dito kesa sa sinsabing “secretary”, take note! Part-time lang ito at tandaan mo kung saan ka galing bago ka naging “secretary”). OO, pinili ko din maglinis ng bahay ng ibang tao para may pang-tuition fee ako. Hindi biro ang tuition fee na gagastusin ko dito. Mas mahal kumpara sa Pilipinas pero ang mas maganda, mas recognized ng European Countries ang course mo tutal may experience naman ako sa isang international company. At para pagbalik ko sa Pilipinas, kahit papano kaya ko pa ding makipagsabayan. Ngayon, sabihin mo? May masama ba sa ginagawa ko? At dapat bang may ikahiya ako sa ginagawa ko?

1 comment:

  1. Haha ako din balak ko magtrabaho bilang aupair dyan sa Denmark, Nursing grad akoat di sa pagmamayabang dean's lister. Dala din ng kawalan ng pera kaya ko gusto magtrabaho sa denmark. Nahihiya ako sa iisipin ng ibang tao tungkol sa akin pero sinabi ko nalang sa sarili ko,okay lang.. basta ba magkapera at makapagpundar wala nakong pake sa sasabihin nila. Atleast mas mayaman ako sa kanila haha

    ReplyDelete