Wednesday, November 10, 2010

Worst blog ever!

Kapag nagigipit ka sa oras at pera. Hindi mo maiiwasang magisip ng hindi maganda. Lahat na lng puro nega. Para bang ngfflashback lahat ng nega sa yo at gusto mong lumundag sa tuwa at sumigaw na, isa akong malaking "K". Nasa punto na din akong walang kakausap sa akin na hindi magandang balita ang dala kundi malilitikan ka sa akin. Wag ka ding basta basta sisingit sa mga iniisip ko at mapapatalsik kita ng wala sa oras. In short, hindi ako ito. Hindi maganda nangyayari sa akin. Isa-sahin natin...

1. Hangang ngyon hindi pa ako nakakabayad ng tuition fee ko. Nagigipit ako sa oras. Wala naman akong sinisisi. Miscommunication lng. Sana tanggapin pa ako ng school. Sa dami ng extension ko sa knila, Lord have mercy on me.

2. Nawawala buscard ko. 5 zoner buscard! Nung Sunday ko lng binili. Pinagsapalaran ko lng bumili kasi alam ko after nito wala nkong perang ilalabas.

3. Sumasabay ang host ko sa pagbibigay ng kung ano anong instruction. Magpapaalam na nga ako e. Maghanap na sila ng iba!

4. Wala akong load. Isang importanteng bagay sa akin ngyon. (E d bumili!) Please refer to number 1 and 2. Pano na ang kabuhayan??

5. Pag ngllog-in ako sa Skype. Nakikita kita! Pagnakikita ko pangalan mo parang winawagayway mo sa buong cyberspace ang pagiging tanga ko sa yo!

6. At isa ka pa Facebook. Hindi ko namang intention na mgpost ng ganun e. Bakit nyo pinapalaki nyo?

7. Deadline..deadline sa extra-curricular activities. Actually, hindi naman problema ito. Hindi lang ako makapgconcentrate. Hindi ko maumpisahan at imposibleng tapusin.

Worst blog that I posted. Puro nega. But I cant resist! Hindi ko alam kung pano ilalabas lahat ng ito. Unti-unti ng ngffiled-up sa utak ko. Sumisingit. Nanunuot. Nangangamoy na. Nabubulok. Dapat ng tanggalin.

Promise. Reresbak ako!