Saturday, July 18, 2009

FILLED OF THINGS THAT WERE DONE IN FIRST 100 DAYS IN DENMARK (DAY 61)

DAY 61 – July 18, 2009

Lazy day! In tagalog: Nagpakatamad ngayong araw!

Nag-promise ako na magpapakatamad ako ngayong araw na ito. It means walang gagawin kung hindi umupo..maginternet at manood ng tv. Yun nga nangyari! Naginternet…Kinausap si Lei at peachy..nanood at kumain…Pero hindi siguro nakatiis si Jessica kaya nag-aya kina Apple para dun magdinner.

After umuwi ng bahay, ngkaramdam ako ng pgkabagot…oo..biglang nabored…naisip na meron akong pasta at dapat kong ilagay un sa ref..nakakita ako ng corn, green peas, ham at bacon..hmmmm…biglang gumana ang malikot na utak ko. Sinubukan ko ang isang bagay na hindi ko pa nagagawa..ang magluto..Taaaraann….ilang minuto para akong contestant sa Hell’s Kitchen or Top Chef at bigla kong hiniwakan ang sandok at ang kawali.

Inspired by Chef Ramsay sa Hell’s Kitchen. Nagluto ako ng pasta with bacon, ham, corn and green peas. Inuuna ko muna un noodles..ininit ko un noodles na natira kahapon. Tapos niluto ang bacon at ham sa olive oil hanggang magmantika. Sumunod, nilagay ang corn at green peas. Sabay na inaalis ang tubig sa noodles at naghahalo ng ham at bacon. Para talaga akong sinisigawan ni Chef Ramsay at dapat hindi mabagal at focus. At naririnig ang mga linyang “Get that fuckin’ dish here!”. Huli, sinama un noodles sa ham and bacon para halo sa noodles ang lasa ng bacon at ham..Un ang sabi ni Chef Ramsey, kung gusto ng mas malasang noodles…

Well, nakain ko naman at masarap. Binigyan ko din si Jessica para kung ano man mangyari may karamay ako. Ito ang pinakauna kong luto ng pasta. And I am proud of myself.

Dahil sa nagpakatamad ako kaninang umaga, ngayong gabi naramdaman kong nagging active ang katawan ko at ngayos ako ng bahay at ng mga labahin..whew!


MORAL LESSON: Mahirap ang walang ginagawa, maraming naiisip gawin..;)

No comments:

Post a Comment