Wednesday, November 9, 2011

Kwentong Balugs

Sitwasyon 1: Papasok sa trabaho, alas-7 ng umaga, 9 degrees celcius. Pupungas-pungas pa. Sumakay ng bus. Pagkaraan ng 3 minuto huminto ang bus at lumapit ang driver sa akin. Pinapababa ako dahil kulang ang pamasahe ko. Hanggang dito na lang daw ako! Walang kagatol-gatol sinundan ko sya at nagbayad ng kulang na pamasahe. Ayoko ng diskusyon at alam ko namang mali ako. Si kuya balugs naman, hindi pa ako pinagbigyan.

Sitwasyon 2: Nasa trabaho, pang-apat na beses ko pa lang sa trabaho. Kaya ang konsentrasyon ko ibang level. Ang kasamahan kong balugs sa trabaho parang slumbook. Kung makapagtanong tungkol sa buhay, wagas na wagas. At si ako, sagot pa din sa Q&A portion ni kuya. Ang ending, "I'll see you after work" ANO DAW??! Ayun napa-out ako ng trabaho ng wala sa oras..

No comments:

Post a Comment