Monday, December 28, 2009

YEAR-END SPECIAL

For the past 4 years, nakaugalian ko ng mg-out of town tuwing matatapos ang taon. Kung hindi ako nagkakamali, I've been to Vigan, Mindoro and most of the time sa Prayer mountain in Antipolo. Now that the year is ending, I'm going to Amsterdam. And as always, I have this sad feeling. Why? I really dont know. Tuwing aalis ako, ang gusto ko lang ay mgreflect at manahimik at magenjoy. I should be happy and I will be hence it's my choice. Siguro umaalis ako at pumupunta sa ibang lugar para hanapin ang happiness and contentment. Feeling ko dumaan nanaman ang taon na wala akong na-accomplish. Worst, feeling ko hindi ako naging masaya sa mga ginawa ko.

Kung mayroon mang tinatawag na YEAR-END SYNDROME, ito na ata ito. Mixed feelings sa pagtatapos ng taon. Masaya, malungkot at disppointed. Hindi ko alam kun bakit ko pinapahirapan ang sarili ko. Pwede namang isang-tabi lahat e. Pero hindi ata ako un, iisipin at iisipin ko pa din. Ang maganda lang doon, madali kong natatanggap.

Wala na kong magagawa. (Ngayon naman feeling hopeless!) Kapag mga ganitong sitwasyon, isa lang ang kaya kong gawin. Ibigay lahat sa Kanya at sabhin na lng “Thy will be done”.

My prayer will be: May I found peace, happiness and contentment and May I live according to His will (Masyado ng matigas ang ulo ko baka wala ng next time)

No comments:

Post a Comment