Wednesday, December 2, 2009

CHRISTMAS COUNTDOWN December 1, 2009

Merry Christmas! First day of December and Christmas is in the air. It will be my first Christmas outside the country and first time to experience White Christmas. How white? Still I don’t know yet but excited! Celebrating Christmas holiday here in not really a big deal unlike the Philippines and I really don’t feel the fest except its freezing and soon after snow is coming! Here’s the list of things that I will miss in Paskong Pinoy:

1. 13th month pay and bonuses --- Siyempre, hindi kumpleto ang Christmas kung walang bonus. Yan ata ang inaabangan ng mga empleyado. By this time, natanggap ko na ang bonus ko at ubos na! Madaming wish list at madaming mga contributions. Ang nakakamiss, budget ka ng budget ng mga gastusin mo at kahit gusto mo man magtabi para sa savings mo. Wala din matitira kahit barya sa pitaka mo.

2. Shopping – After, matanggap ng mga bonuses ang sunod na iisipin: Saang tiangge ang pikamura para makapgshopping. Nothing beats Divisoria! Ang saya pumunta ng Divisoria, budgeted man ang pera mo or shopping galore. Iba’t ibang klase, mga laruan, damit, pangregalo or pangasariling kapakanan. Kung medyo malalaki-laki ang budget, sa Greenhills Shopping Center…sa labas…hahahaha…night market tawag nila. After mall hours sila nagbubukas at puno ang kalye ng mga paninda at tao. Ingat lang sa mga magnanakaw!


3. Caroling – Nung bata pa ako hanggang high school, gusto gusto kong sumasama sa caroling. At kahit nung college, katuwaan lang naman. Sa mga kakilala at churchmate lang naman naming para walang tanggi..hehehe..Iba’t ibang paraan ng caroling, may grupo, may soloista, may gitara, may intrumentong gawa ng malilikahaing isip at mayron ding may dalang karaoke. May mga tao din sa loob ng jeep kumakanta. Isang modus operadi na naman ito pero ni minsa hindi ako ngbigay! Kala nyo ha!


4. Christmas Party – Naku, kabila-kabila ang Christmas Party. Mayron sa opisina, sa loob ng bahay, sa magkakaibigan, sa simbahan, sa magpipinsan, sa school, sa close friends, sa circle of friends, at sa kung ano ano pa. Hindi ko maintindihan bakit kailangan napakaraming party bakit hindi na lang pgisahin. Anyway, kahit magastos at nakakapagod at lumalabas ang pagiging party people mo, oks lang. Minsan lang naman ang mga pagkakataong ito.

My last Christmas Party in JCI

5. Noche Buena at mga pagkaing pinoy – Last Christmas, iba ang theme namin sa bahay. Western style --- turkey, salad, tacos and wine. Sosyal di ba?? Ano kaya ngayon? Pero hindi parin matatawaran ang mga pagkaing pinoy at ang tradisyonal na handa. Syempre litson, menudo, leche flan, buco salad at iba pa Itong panahon din ako nakakakain ng paborito kong bibingka at puto bungbong! Dumadayo pa talaga ako sa Avenida para lang tikman ang pinakamasarap na bibingka sa Manila.
2008 Noche Buena with Family


6. Interesting sights every Christmas – Dito lumalabas ang mga galit sa meralco. Kung magsindi ng mga Christmas light sa bahay ay parang stock holder sa Meralco at hindi iniintindi ang gastusin. Maraming events tuwing Christmas, Lightning ng kung ano anong parol at Christmas tree. Yung tipo bang hindi kailangan gumastos para lang mabusog ang mata. Punta ka lng sa Cavite or Ortigas at mismong sa Makati, solb ka na!



7. Family bonding – Dahil sa long vacation ito, nagkakaron ng time para sa family. Dito nangyayari ang basagan ng lalamunan. Videoke magdamag at hindi pa nakakahilamos at ngmumumog, mica gad ang hawak. At kahit na iritado na ang mga kapit-bahay. Peace! That’s the Spirit of Christmas…:)


8. True spirit of Christmas --- Christmas is not just a celebration. Malalim at makabuluhan ang paggugunita nito. Hindi pa rin nakaklimutan ang tunay na diwa ng pasko. Nandyan ang mga kabi-kabilang gift-giving at pagtulong sa kapwa. Lalo na sa mga bata at matatanda. One Man gave His life so now give whatever you can. Pay it forward! Minsan ang mga Christmas Party ay ginagwa na lang Gift-giving program. Kahit anong paraan nandyan pa rin ang bayanihan.

No comments:

Post a Comment