Monday, December 28, 2009
YEAR-END SPECIAL
Kung mayroon mang tinatawag na YEAR-END SYNDROME, ito na ata ito. Mixed feelings sa pagtatapos ng taon. Masaya, malungkot at disppointed. Hindi ko alam kun bakit ko pinapahirapan ang sarili ko. Pwede namang isang-tabi lahat e. Pero hindi ata ako un, iisipin at iisipin ko pa din. Ang maganda lang doon, madali kong natatanggap.
Wala na kong magagawa. (Ngayon naman feeling hopeless!) Kapag mga ganitong sitwasyon, isa lang ang kaya kong gawin. Ibigay lahat sa Kanya at sabhin na lng “Thy will be done”.
My prayer will be: May I found peace, happiness and contentment and May I live according to His will (Masyado ng matigas ang ulo ko baka wala ng next time)
Thursday, December 17, 2009
12 DAYS OF CHRISTMAS
Dec. 17, 2009 -- 8 Days before Christmas
As I woke up this morning, I can’t believe what I saw. All white! Pure white! The beautiful sight was appreciated as the sun rises at 8am. But snow also brings annoyance in some people because the need to plow their way in the cold morning to get outside and that’s what
All white and pure
Frederick, taking rid of snow in the cars..
The snow was one foot high so it was so nice to dip in and let the feet and hands feel the snow. At 10:30am, Marius and I went outside to play but we didn’t take long because it was really cold and I can’t bear it. As of now, it is really cold, it’s -4 degrees! I am still amazed by the wonders of nature. The difference between m country and here. All I can say is: I am amazed by the Your works of Your hands…
Wednesday, December 16, 2009
12 DAYS OF CHRISTMAS
Three things happened this day:
1. Birthday ni Jess – Kahit hindi kami nagkita nun birthday nya alam kong masaya siya. Wish you all the best! And may God grant the desire of your heart!
2. Let it snow..let it snow..let it snow! – This is not my first time, pero ito ata un pinakamatagal at pinakamatagal. Para akong bata, kumuha agad ng camera at tripod at kuumuha ng picture at video. Alam, mo un feeling na…sa movie ko lng napapanood ito.ngyon ito na! Fulfilling and happy. This was my dream before, to experience snow. Ang masasabi ko lang more! More! More! Hehehehe
3. Christmas Party in school – Nakakaloka! Hindi ko alam kung ano dadalin ko. Hindi ako makapagluto (as if naman na nagluluto ako) Kaya, instant! Microwave hot wings! Pacencya na..hehehhe..On my way to school, nagssnow pa din. Ang sarap na feeling para akong nas pelikula or kinukunan ng music video naglalakad under the snow!
Infairness, masarap ang food. May CPA (ngyon ko lng nalaman to, chicken, pork adobo) bistek, spring roll, fruits, cheesecake at ang pinagmamalaki kong hot wings! Another year for school. Though hindi formal school. I appreciate what I’ve learned.
Christmas in Denmark
Denmark has adopted and expanded the German tradition of Advent calendars. It is common to have Julekalender (Christmas calendars) that mark all days from December 1 until December 24. They are often made of cardboard with pictures or treats such as chocolate. They come in various forms whether home-made to or manufactured and can contain innocent stories of Christmas or might even be scratchcards. Also, Advent candle with numbers from 1-25 and they have to light it everyday according to numbers.
12 DAYS OF CHRISTMAS
I watched Schindler’s List and until now, scenes and the story still linger on my mind. I can’t imagine the Holocaust that happened. More than 11 million Jews died. Why? Because the are Jews, they are merely Jews. This was happened during the World War II under Adolf Hitler. It was a barbaric way of killing people and the reason is none sense. I was thinking, why God allowed these things to happened, not only to the Jew but to the other Christian. Why there’s someone to suffer to glorify His name? Why things need to happen just to see the goodness of His works? Well, human cant fathom the depth of His love. It boils down to the principles: Everything has purpose and He has his own way of telling things. But whatever it is, I still believe that Jews are the chosen people of God and I still have respect to them.
Sunday, December 13, 2009
12 DAYS OF CHRISTMAS
Dec. 13, 2009 -- 12 Days before Christmas
The countdown begins! Surely we can’t stop the Christmas. It’s really coming!
Bigla kong namiss yung mga pasko nung maliliit pa lng kmi magkakapatid. Parang kalian lang binibilan ko sila ng regalo at dapat pareho pero magkaiba lng ang kulay. Kundi mag-aaway sila. Kahapon, namili ako ng mga regalo para sa mga bata. Dati ko ng gawain sa Pinas, sa mga inaanak. Gusto-gusto kong namimili ng regalo. Ngyon, kumpleto na lahat at nabalot ko na din. At last! I feel the Christmas is really coming!
Gifts for my friends..
As I was walking on my way home, I thought it’s raining then suddenly I realized it is snow! Sa wakas, nagsnow nanaman ulit. Pero hindi ako makakita ng mgandang picture. Kasi sobrang dilim na at cellphone lang ang gamit ko. Anyways, para akong bata na pilit sinasalo ang snow, nakatingala at infairness lasang ulan lang siya (What do I expect? Ice cream??) But this is not my first snow. I experience it last November but this is the first time that I am outside and walking.
Melting snow in my hand
This is my first time to celebrate Christmas and I learned some of their traditions. I will share it every post here.
Jul, the Danish Christmas, is celebrated throughout December starting either at the beginning of Advent or on December 1 with a variety of traditions. Christmas Eve, Juleaften,, the main event of Christmas, is celebrated on December 24.Every September until Christmas, Carlsbergis releasing a Juleøl as a sign that Christmas season is coming.
Wednesday, December 2, 2009
CHRISTMAS COUNTDOWN December 1, 2009
1. 13th month pay and bonuses --- Siyempre, hindi kumpleto ang Christmas kung walang bonus. Yan ata ang inaabangan ng mga empleyado. By this time, natanggap ko na ang bonus ko at ubos na! Madaming wish list at madaming mga contributions. Ang nakakamiss, budget ka ng budget ng mga gastusin mo at kahit gusto mo man magtabi para sa savings mo. Wala din matitira kahit barya sa pitaka mo.
2. Shopping – After, matanggap ng mga bonuses ang sunod na iisipin: Saang tiangge ang pikamura para makapgshopping. Nothing beats Divisoria! Ang saya pumunta ng Divisoria, budgeted man ang pera mo or shopping galore. Iba’t ibang klase, mga laruan, damit, pangregalo or pangasariling kapakanan. Kung medyo malalaki-laki ang budget, sa Greenhills Shopping Center…sa labas…hahahaha…night market tawag nila. After mall hours sila nagbubukas at puno ang kalye ng mga paninda at tao. Ingat lang sa mga magnanakaw!
3. Caroling – Nung bata pa ako hanggang high school, gusto gusto kong sumasama sa caroling. At kahit nung college, katuwaan lang naman. Sa mga kakilala at churchmate lang naman naming para walang tanggi..hehehe..Iba’t ibang paraan ng caroling, may grupo, may soloista, may gitara, may intrumentong gawa ng malilikahaing isip at mayron ding may dalang karaoke. May mga tao din sa loob ng jeep kumakanta. Isang modus operadi na naman ito pero ni minsa hindi ako ngbigay! Kala nyo ha!
4. Christmas Party – Naku, kabila-kabila ang Christmas Party. Mayron sa opisina, sa loob ng bahay, sa magkakaibigan, sa simbahan, sa magpipinsan, sa school, sa close friends, sa circle of friends, at sa kung ano ano pa. Hindi ko maintindihan bakit kailangan napakaraming party bakit hindi na lang pgisahin. Anyway, kahit magastos at nakakapagod at lumalabas ang pagiging party people mo, oks lang. Minsan lang naman ang mga pagkakataong ito.
5. Noche Buena at mga pagkaing pinoy – Last Christmas, iba ang theme namin sa bahay. Western style --- turkey, salad, tacos and wine. Sosyal di ba?? Ano kaya ngayon? Pero hindi parin matatawaran ang mga pagkaing pinoy at ang tradisyonal na handa. Syempre litson, menudo, leche flan, buco salad at iba pa Itong panahon din ako nakakakain ng paborito kong bibingka at puto bungbong! Dumadayo pa talaga ako sa Avenida para lang tikman ang pinakamasarap na bibingka sa Manila.
6. Interesting sights every Christmas – Dito lumalabas ang mga galit sa meralco. Kung magsindi ng mga Christmas light sa bahay ay parang stock holder sa Meralco at hindi iniintindi ang gastusin. Maraming events tuwing Christmas, Lightning ng kung ano anong parol at Christmas tree. Yung tipo bang hindi kailangan gumastos para lang mabusog ang mata. Punta ka lng sa Cavite or Ortigas at mismong sa Makati, solb ka na!
7. Family bonding – Dahil sa long vacation ito, nagkakaron ng time para sa family. Dito nangyayari ang basagan ng lalamunan. Videoke magdamag at hindi pa nakakahilamos at ngmumumog, mica gad ang hawak. At kahit na iritado na ang mga kapit-bahay. Peace! That’s the Spirit of Christmas…:)
8. True spirit of Christmas --- Christmas is not just a celebration. Malalim at makabuluhan ang paggugunita nito. Hindi pa rin nakaklimutan ang tunay na diwa ng pasko. Nandyan ang mga kabi-kabilang gift-giving at pagtulong sa kapwa. Lalo na sa mga bata at matatanda. One Man gave His life so now give whatever you can. Pay it forward! Minsan ang mga Christmas Party ay ginagwa na lang Gift-giving program. Kahit anong paraan nandyan pa rin ang bayanihan.