Thursday, June 18, 2009

FILLED OF THINGS THAT WERE DONE IN FIRST 100 DAYS IN DENMARK (DAY 31)

DAY 31 – June 18, 2009


This day is my monthsary (ano daw??). I am here in Denmark for 1 month. During my stay here, I already miss my Pinas. There’s a lot of thing that I miss but here’s my top list.


MGA NAMIMISS KO SA PINAS.


Isa itong parusa para sa akin. Isipin ko ba naman ang mga namimiss ko sa Pinas. Pero hayaan muna..lilipas din yan..hahaha...Let’s get it on!


  1. Kanin!!! – Ngayon ko lang narealized ang value ng kanin. When I was in the Pinas. I ate rice once a day only. Ang rice dito ginto at hirap bumili ng rice cooker. Puro bread…cheese…pasta…Nakakasawa na minsan. Kaya pahalagahan natin ang bigas!

  1. Pagkain sa jolijeep --- I worked in Makati and I ate in jolijeep. Maliit lang cyan a lugar at para cyang jeep na mas ok na take-out kasi nakatayo ka pagkumain. Mula breakfast, lunch, merienda at dinner meron dun. Namimiss ko un sinangag, longganisa, bicol express, lechon kawali, sisig, kare-kare at sinigang. At ang luto ng nanay ko. Hay..nagugutom na ko!!!

  1. Bahay namin --- particularly ung room. Ung kubo at lahat ng bagay dun. Pati ang magulong kapit-bahay at ang buong deparo!!! Dito kapag lumabas ka..wala kang makikitang tao sa daan. Hindi ka pedeng makipag-kapit bahay. Mind your own business.

  1. SM --- long mall hours. Open from Monday to Sunday. Naku, dito Monday to Saturday at hanggang 5pm lng. Aws..:( Pano na un mall after ng work. Tambay sa Starbucks after ng church. Pati ang mall hopping. Pag hindi nakuntento sa isang mall pnta sa isang mall at madali lang ang transportation, jeep, mrt at tricycle..

  1. Summer! – Actually, summer dito..Summer @ 10 degrees celcius with rains and sometimes with hail stone. What happened to beach? Sun bathing? Tan lines? Banana boat etc…

  1. Itlog ng pogi at BJ (kwek-kwek at Buko juice) --- walang street foods. Kahit na may allergy ako. Go! Me gamot naman. Hindi tulad sa HongKong at Pinas. Kahit saan ka pumunta may makikita kang street food.

  1. Karaoke – Magdamagang kantahan ng mga kapatid ko! Walang pakialam kung anong oras at gano kalakas..Namimiss ko ng kantahin un mga favorite karaoke songs ko na..Basang-basang sa Ulan at Luha…hahaha..

  1. Tingi-tingi – Papiso-pisong load, candy, chichiria. Jusme! Ginto ang load at dapat sandamukal na candy at chichiria ang bibilhin mo. Para bang laging may krisis.

  1. Christ Cares City Church Family – Every Sunday fellowship at mga gala after ng service. Every occasion nagsasama-sama kami. Namimiss ko un meeting every Tuesday. Ang ministry ko kahit na makulit ang mga pastor ang mga makukulit na bata. Ang mga rush works at mga ngarag na service. Ay, kahit na siguro ibat-ibang church na tau. You’re still my family. My home-grown church.

  1. Arnaldo Family – Sympre namimiss ko ang family ko. Si Papa, kahit tahimik un. Lagi nya kaming pinagluluto at gumagawa ng paraan pg may kailangn kami. Si Mama, maingay tuwing umaga at laging nakasigaw pero matakot ka pg tahimik un. You’re dead! Si Janno, ang mapagtimpi kong kapatid, isama mo na din un anak mong si Sean. Si King, ang laging hingi ng pera. Si Lei, ang makulit at maraming alam na kapatid ko.

MORAL LESSON: There’s no place like home.

2 comments: