Friday, July 23, 2010

Onli in d pilipins

Big deal sa mga pinoy pg cnbng ppnta sa airport either galing ung Saudi or Japan. Mas astig kung ikaw mismo ang sasakay ng eroplano or ikaw ang darating. Preparado lahat. Mula sa shampoo na gagamitin hangang sa panyong dadalhin. At kung meron tayong damit pangsimba na minsa sa isang buwan lng gamitin. Meron din taung damit na pang airport. Pagdating sa airport titingin sa mga dumarating. Titignan ang bagahe sabay tanong san kaya galing ito. Pupunta sa letra ng pangalan A-C, D-F etc. Pagnkita na ang target na tao, kakaway akala mo cya lng ang kumakaway o di kaya sisigaw. Bkit kc hindi malalapit sa exit ung hintayan at hndi nanagkakagulo sa pgkaway at sigaw. Sabagay, nakita siguro sa bolang kristal ng gobyerno na kapag nagsusundo ang mga pinoy, klngn mapuno ang isang jeep. Konting usog lang po, aalis na. Kapag nakasakay na sa sasakyan ang sinundo at ang mga sumundo. Kasunod ang isa pang jeep na sumundo din. Isa lang ang siguradong pupuntahan nyan sa Jollibee. Onli in da pilipins!

No comments:

Post a Comment