I read my old blog. My blog for 4 years. And dami palang nangyari. Ang dami palang luhang dumaloy ng mga panahong iyon. Nandun un para akong tanga na hindi ko nararamdaman ang nangyayari sa paligid ko. Numb, bitter, sad, lonely minsan masaya..lahat na. Nagmahal, nasaktan..nagmahal ulit..nasaktan ulit. Ganun tlga siguro. Naaawa ako sa sarili ko nun pero ngyon wala na kong mailuha. After kong mabasa un, prang lahat na ata nailuha ko nun. Sabagay sabi nga ni kuya jeff nun, ayaw na ayaw nya akong nakikitang umiiyak, pero ngyon prang wala na..oo nga naman..wala ng pakialam kun ilang balde na inuluha ko nun. Pero nakakatuwa may mga hidden na pagmamaldita din ako. May storya din ng pagbangon at pilit bumabangon. Napagod ako sa buhay ko nun. Nagpapakapagod para makalimutan lahat ng sakit at kirot. Walang tulog at walang pahinga kahit oras ng pahinga klngng mgtrabho. May blog pa ako nun bday ko nun 2008, ang ginawa ko..naglaba..hahahha..baliw tlga ako.
Isinantabi ko na ung blog na un, hindi dahil sa gusto kong kalimutan na ang lahat. Binabalikbalikan ko pa din cya. Nagbibigay ng lakas ng loob ko un. Kinaya ko nun at kakayanin ko pa din ngayon. Masasabi kong hindi pa tapos ang laban ng buhay. Nagsisimula pa lang. Ngyon ko pedeng sabhin na pinatatatag ako ng kahapon.
Kung tatanungin ako kung may regrets ako sa mga nangyari. Wala akong pinagsisihan at un pa rin ang pipiliin kong buhay kung sakali. Kung may babaguhin man ako sana mas minahal ko pamilya ko kaysa sa kanya. Kaya pinupunuan ko lahat ng pagkukulang ko sa pamilya ko. kahit sariling ambisyon at pangarap ko isinanttabi ko muna pra sa knila. Saka na lng ulit ako. Naging matigas ulo ko e. Sinuway ko sila. Ito siguro ang kapalit ng lahat na un. At tanggap ko na. Masasabi ko ngayon mamamatay ako at mabubuhay ako para sa pamilya ko.
Nahaharap ako ngayon sa malaking disappointment at discouragement. Nahihirapan akong maghanap ng options. Hindi ako qualified. Pero ok lang. Malalagpasan ko din ito at pagdating ng araw babasahin ko ulit ito at matutuwa kasi nalampasan ko nanaman ito.
Umayos ka lng, Urania!
Sunday, January 17, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment