Saturday morning. I should finish my work cos I have a deadline next week. Pero mas feel ko lumabas at gumala. Kapag nga naman tinamaan ka ng katamaraan. Konti na lang tapos ka na tska ka naman tinamad. Anyway, I decided to go to Apple’s place cos Jess is there. But before that, gusto ko sanang ibenta ang mga PANT cans na naipon ko. Sa sobrang dami na, nahiya naman akong ilabas sa bahay. Napagisip ko na sa Monday na lang. We went to IKEA, place for house accessories, and bathroom and kitchen items. Kung bakit kami nandon wala lang gusto lang naming tumingin. Habang nalalakad kami, ang trip naming ay kumuha ng PANT cans. Ito ung mga cans or bottles na may PANT symbol. Pwedeng ibenta sa NETTO or sa SUPERBEST. And this can will use it by the company. Pag PANT A – 1kr, PANT B – 1.50 kr at PANT C – 3.00kr. And daming PANT cans sa paligid pero yupi.
Panawagan sa mga Dani: ‘wag nyong yupiin! May mga cans na mahirap ng kunin at pilit kinikuha. Kunbagay, palit-buhay. Hahahaha… Tinignan muna naming ang lugar na may PANT cans at babalikan namin paguwi. Naglibot, namili at kumain sa IKEA. Pagtapos nun, ready na para sa PANT-HUNTING. Unti-unti ng iniisa-isa ang mga cans na nakita. At kahit nga malayo at mahirap ng abutin. Sa ngalan ng PANT, go pa din! Marami ng nakuha si Apple at Jess. Alam ko un, mabigat na ata ang plastic na dala nila. At pagapos na araw na ito, alam ko din na bawi ang kinain at pinamili naming ng dahil sa PANT cans.
Hindi ito isang paglalahad para ibaba ang sarili. Oo, nag-aral at may marangal na trabaho sa Pilipinas tpos pagdating sa ibang bansa nangunguha lang ng mga cans. Isa lang ito pagpapakita kung ano kayang gawin ng isang tao para lamang sa pamilya nila sa Pilipinas. Magtitipid hanggang kaya, mgtatrabaho hangga’t may oras at kukuha at kukuha ng extra kahit oras na ng pahinga para lamang magkapera. At kahit na mismong mgipon ng PANT cans para magkapera bakit hindi. Ganyan, ang buhay dito at sana lahat ng pamilya sa Pilipinas ay maintindihan yun.
At sa banding huli, hindi ako nahihiya kung gingawa ko man ito. At least nakakatulong ako kay Mother Earth…;)