Panawagan sa mga Dani: ‘wag nyong yupiin!
May mga cans na mahirap ng kunin at pilit kinikuha. Kunbagay, palit-buhay. Hahahaha… Tinignan muna naming ang lugar na may PANT cans at babalikan namin paguwi. Naglibot, namili at kumain sa IKEA. Pagtapos nun, ready na para sa PANT-HUNTING. Unti-unti ng iniisa-isa ang mga cans na nakita. At kahit nga malayo at mahirap ng abutin. Sa ngalan ng PANT, go pa din! Marami ng nakuha si Apple at Jess. Alam ko un, mabigat na ata ang plastic na dala nila. At pagapos na araw na ito, alam ko din na bawi ang kinain at pinamili naming ng dahil sa PANT cans.
Hindi ito isang paglalahad para ibaba ang sarili. Oo, nag-aral at may marangal na trabaho sa Pilipinas tpos pagdating sa ibang bansa nangunguha lang ng mga cans. Isa lang ito pagpapakita kung ano kayang gawin ng isang tao para lamang sa pamilya nila sa Pilipinas. Magtitipid hanggang kaya, mgtatrabaho hangga’t may oras at kukuha at kukuha ng extra kahit oras na ng pahinga para lamang magkapera. At kahit na mismong mgipon ng PANT cans para magkapera bakit hindi. Ganyan, ang buhay dito at sana lahat ng pamilya sa Pilipinas ay maintindihan yun.
At sa banding huli, hindi ako nahihiya kung gingawa ko man ito. At least nakakatulong ako kay Mother Earth…;)

No comments:
Post a Comment